Kabanata 53… MAKALIPAS ANG SIYAM NA BUWAN.. "One hundred sixty seven po lahat ateng. Inilagay kona rin ang adobo at kaldereta na idinagdag ninyo." Nasa harapan siya Amanda ng counter, pagkatapos kase niyang magluto siya na rin ang nag aasikaso para sa pagsukli ng ibang bumilibili habang si Tiyong at Tiyang naman busy na naglalagay ng pagkain sa mangkok ng mga kumakain. Sa siyam na buwan niyang pamamalagi sa dalawang mag asawa, nakabagayan na niya ng loob ang dalawa, ramdam narin niyang malaki narin ang tiwala ng mga ito sa kaniya. Sinuklian niya ang kabaitan ng mga ito nang payagan siyang magtrabaho sa karendirya nito kahit hindi pa'man siya lubos na nakikilala ng mag asawa. Lubos na nagpasalamat siya dahilan wala 'man siyang alam sa ibang pagluluto at hindi din madali. Minsan nakar

