Kabanata 45.. MARAHAN siya nitong ibinaba sa kama. May halong kaba at saya ang nararamdaman niya. Totoo kaya ang banta nito? "Kainis ka!" kunwareng maktol niya ng maibaba siya ni Juriel. Bahagya itong natawa sa inugali niya. "Mahal puwedeng pumikit ka?" kunot nuong napatingin siya sa nobyo habang nakangiti ito at nakatayo parin sa harapan niya. May sopresa ba ito ulit sa kaniya? Ano naman kaya? "Ano na naman ba 'yan? Ikaw nakakarami ka na.. Samantalang ako wala 'man lang maiganti sa'yo." doon ang pagkukunwareng malungkot ay tuluyang bumakas sa mukha niya. Naramdaman kase niya ang pagkahiya. Nakita niyang kumislot ito, hinakbang ang ilan pulgada nilang dalawa. Naupo ito sa kinauupuan niya at matapos pinakatitigan ang buo niyang mukha. "Wala akong hinihingi na ano 'man sai

