“KUMUSTA na ngayon ang puso mo?” tanong ni Raniyel sa kanya habang nasa may garden silang dalawa. Nakaupo siya sa may swing nang bumisita ito sa kanya. Isang linggo na rin ang nakalipas simula noong huli silang nag-usap ni Yana. Hindi na rin niya nakikita na nagtutungo ito sa bahay ni Calvin. Wala na rin siyang balita kay Femie. Hindi na ito nakipag-usap sa kanya bago ito umalis. Ang huling text messages nito sa kanya ay humihingi ito ng tawad sa ginawa nito sa kanila ni Yana. Bumuga nang malalim si Acer at seryosong tumingin sa kanyang kaibigan. “Nandito ka ba para malaman kung okay pa ako?” Umupo ito sa katapat kong upuan sa may swing. “Dinalhan ko lang ng pasalubong si Siena,” pagsisnungaling naman nito sa kanya. “Nag-usap na kami ni Yana at alam na rin niya ang totoo. Ngunit hindi

