“Mukhang busy ang honey ko, a.” Niyakap ni Acer sa likod si Yana. Nakatingin ito sa mga wedding dress at pansin niya na hindi maipinta ang mukha nito habang nakatingin sa mga disenyo. “Sabi ko naman sa iyo na huwag kasing presyo ang tinitignan mo kun’di iyong wedding dress na isusuot mo, honey.” Umalis si Acer sa likuran ni Yana at umupo sa tabi nito. “Isang beses ka lang ikakasal kaya dapat maging espesiyal ang araw na iyon sa buhay mo.” Seryoso namang tumingin ito sa kanya. “Isang beses? Sino naman ang nagsabi sa iyo niyan?” Natawa si Acer sa sinabi nito. “Sira ka talaga.” “Eh, kasi naman napakamahal ng mga wedding dress na nandito sa brochure na ito. Tignan mo nga may nagkakahalaga pa ng isang milyong piso,” pagrereklamo pa ng dalaga sa kanya. “Okay ganito na lang.” Tumawag ni Dean
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


