KUMUNOT ang noo ni Yana sa sagot ni Acer matapos sabihin ng kanyang ama ang isa pang dahilan kung bakit sila nandito ngayon sa bahay ni Don Antonio. Isang linggo na rin ang nakalipas nang piliin ni Yana na mag-focus muna sa kanyang pag-aaral. Nakapagtapos na siya ng ALS sa tulong na rin ng kanyang ama. Next semester ay papasok na siya ng kolehiyo at kukuha siya ng kurso na Business Administration. “Hindi ko lang kasi maintindihan ang---” “May nagawa akong kasalanan sa iyo, Acer. At naipaliwanag ko na iyon sa iyong Lolo Antonio. Hindi kita dapat na hinusgahan at hindi ko dapat idinamay ang negosyo natin sa hindi natin pagkakaunawaan. Ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa ni Femie sa iyo, Acer. Alam kong matinding kahihiyan ang nagawa sa iyo ng aking anak.” “Sir…” “Acer, gusto kong ma

