"Kailangan na ba nating pag usapan ang mga iyan? Bakit hindi muna tayo mag enjoy?" Kalmadaong tugon ni Dylan sa kanya. "No, gusto ko munang malaman ang dahilan mo, Dylan," taas ang mukhang sabi niya rito. Wala siyang pakialam kung tila may bombang sasabog sa kanya sa unang gabi mismo ng kasal niya. Basta nais niya ng kasagutan ngayon din. Marami siyang mga senyales na napansin noon, pero dahil sa kagustuhang makasal kay Dylan ay lahat ng iyon ay binalewala niya. Hinayaan niyang umabot sila sa ganito, at ngayon eto siya naguguluhan. Nakita niyang humugot ng malalim na paghinga si Dylan habang nakatingin sa kanya. "Well, fine let's talk," walang emosyong sabi nito at agad na tumalikod, lumakad pabalik sa library. Ano man ang malaman niya ngayong gabi buong tapang niyang tatangapin. Sum