Nakataas ang mukha niya nang pumasok sa loob ng opisina ng asawa niya, naroon nga ang higad na haliparot. Nadatnan niya si Dra. Izzy sa loob nakaupo pa sa ibabaw ng mesa ni Dylan, habang si Dylan nakaupo at nakaharap sa laptop nito. Parehong nalipat sa kanya ang atensyon ng dalawa. "Hannah," gulat na sambit ni Dylan sa pangalan niya saka ito tumayo sa kinauupuan. Sinulyapan lang niya saglit ang asawa at muling binalik kay Dra. Izzy ang mga mata. Nanatili ang babaeng nakaupo sa ibabaw ng mesa, naka cross legs pa ito. Sa uri ng pananamit nito halatang inaakit nito ang asawa niya, at naniniwala siyang hindi magtatagumpay ang babaing haliparot sa pang-aakit sa asawa niya, kilala na niya si Dylan, mataas ang respeto nito sa kasal nila, isama pang siya lang ang babaing nais makasiping ng asaw