"Hannah!" Narinig niyang tawag ng lalake nang makapasok siya sa hotel unit na tinutuluyan ni Hannah, para kunin ang mga gamit nito. Siya na personal na nagtungo sa hotel para na rin makaharap si Luigi at sabihan itong layuan na ang asawa niya. May kasunduan na sila ni Hannah, magsasama sila bilang mag asawa sa loob ng tatlong buwan, at kung walang progress sa pagsasama nila ay nangako siyang siya mismo ang hihiwalay sa asawa. Biglaan lang niyang naisip ang bagay na iyon, dahil nais niyang makasama ang asawa, at the same time para na rin malayo niya ito sa isang tulad ni Dr. Luigi Fernandez. Nagpapasalamat siyang hindi na pumalag pa si Hannah sa nais niyang manatili na ito sa bahay niya. Hindi na rin siya pumalag pa sa kagustuhan ng asawa na hindi niya ito pwedeng angkinin, dahil alam