Inihatid siya ni Dylan sa Villa matapos nilang mag dinner. Binilhan pa nga nito ng steak ang nanay niya. Hindi naman na siya tumanggi pa alam naman ng Nanay niya na magkikita sila ni Dylan. Isa pa para na rin matikman ng ina ang masarap na steak. "Hannah," tawag sa kanya ni Dylan matapos maihinto nito ang sasakyan sa tapat ng malaking bahay. "Ano iyon Dylan?" "Hintayin mo ko this weekend. After ng work ko sa San Sebastian uuwi na ko dito sa Villa, para mapag usapan na natin ang tungkol sa kasal," litanya ni Dylan na lalong nagpataba sa puso niya. "We need to get married as soon as possible, sweetheart, para naman magkasama pa tayo kahit papano," patuloy nito. Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Hindi kasi niya naintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin. "What-" hindi niya naitu