Matapos niyang maisukat ang napakagandang evening dress, isa pang bestida ang pinili ni Dylan para sa kanya. Iyun na daw ang isuot niya habang namamasyal sila. Floral dress iyon na umabot lang sa may tuhod niya. Bagay na bagay din sa kanya. Tila alam na alam ni Dylan kung ano ang nababagay na dress para sa kanya. Halos tatlong paper bags na malalaki ang dala nila palabas ng boutique, nalula din siya sa presyo ng binayaran ni Dylan para sa kanya. Parang kaya na nilang mabuhay ng nanay niya ng isang taon sa presyong binayaran ni Dylan para sa kanyang mga damit. "Ang dami mo namang pinamili para sa akin, Dylan. Hindi rin biro ang presyo, sobrang mahal," nag-aalalang sabi niya sa binata habang naglalakad sa mall. Sii Dylan lahat may bitbit ng pinamili nila sa isang kamay nito, at ang isang