Pag gising niya kinabukasan bumaba na siya para ipaghanda ng pagkain ang asawa. Hindi rin naman niya maintindihan ang sarili kung bakit narito siya sa bahay ng asawa at pinagsisilbihan niya ito. Hindi ba't she hates him so much? Pero bakit tila sunud-sunuran pa rin siya sa asawa sa bawat sabihin nito sa kanya. Bakit hindi siya makapalag, samantalang nasa isip naman niya na huwag itong sundan at gawin ang gusto niya na labanan ito makuha lang divorce niya. "Good morning ho Ma'am Hannah," bati ni Manang Luz sa kanya nang datnan siya nito sa kusina. "Good morning po Manang Luz," bati rin niya rito. "Ang swerte talaga ho sa iyo ni Doc Dylan, lagi niyo ho siyang pinaghahanda ng pagkain at todo asikaso po kayo sa kanya," nakangiting sabi pa nito. "Ah, eh, hindi naman ho," nahihiyang sabi ni