"How's my daughter?" Tanong ng lalake kay Dylan matapos masuri ng mabuti si Izzy. Kasama niya ang asawa sa loob ng ER at ilan pang nurse para gamutin si Izzy. Nailigtas naman nila si Izzy sa kapahamakan, nahagapan nila ang pagdurugo ng palapulsuan nito, stable na ang lagay nito, kailangan pa nitong masuri at magpalakas sa loob ng ospital. Kung hindi siya nagkakamali ang lalaki at babaeng bagong dating ay mga magulang ni Izzy, halata sa pananamit ng mga ito na may sinasabi ang mga ito sa buhay. Habang nakikipag-usap ang asawa sa mga magulang ni Izzy, nanatili siya sa isang tabi at pasimpleng nakikinig sa usapan ng mga ito. Professional na kinakausap ng asawa ang mga magulang ng pasyente. Nakakahanga ang way ni Dylan sa pagpapaliwanag sa kalagayan ni Izzy ngayon, hindi na siya magtataka pa