Pagdating sa Paris dumeretso sila sa Hotel kung saan sila pina reserved ng Papa ni Dylan. Ito ang unang beses niya sa Paris, at talaga namang napahanga siya sa ganda ng lugar. Maganda din ang New York at nagtagal siya roon, at masasabi niyang hindi nalalayo ang New York sa Paris. Sa kilalang hotel sila naka book, paniguradong mahal na naman ang pag stay nila ng isang linggo sa hotel, kung saan kumpleto ang serving sa kanila mula sa almusal hanggang dinner. Mukhang malaki na naman ang ginastos ng biyenan para sa pa honeymoon sa kanila. Pinagbilinan pa nga sila ni Mr. Santillan na dapat daw pag uwi nila may laman na ulit ang tiyan na. Natawa naman siya na hindi makasagot agad. Paano kababalik palang niya sa dating katawan, at pag nagbuntis siya lalaki na naman siya. Isama pang wala pang is