Chapter 20 BRIE Kandahaba ang leeg ni Brie habang sinisilip ang kanyang cellphone dahil wala siyang text na natatanggap mula kay Tommy. She's really wondering because it's been two days. Pasilip-silip din siya sa bintana ng kwarto para tingnan kung naroon ang sasakyan nito sa labas pero wala naman. Medyo kinakabahan siya dahil hindi rin siya nagte-text doon. Kahit na napaamin siya no'n noong isang araw na may feelings pa rin siya, pinipilit pa rin niyang limitahan ang sarili at gawin kung ano ang sa tingin niya na tama. Huwag lang ‘yong lalapit dahil sigurado mahuhulog ang panty niya o di kaya ay mahahawi kahit na anong higpit pa ng garter. Sumimangot siya at inip na naglakad pabalik sa may kama. She can't take it any longer. Wala namang masama na alamin niya kung kumusta si