Chapter 25 BRIE Nakapangalumbaba siya habang nakatingin sa dalawang aso na naglalampungan sa carpet at inggit na inggit na naman siya sa mataray niyang alaga. Mabuti pa si Tam-Tam may Wrecker na nakakagat, ako wala. Sinalo pa niya ang baba ng isa pa niyang kamay. Hinihintay niya ang pagtawag ni Tommy sa ikaapat na araw na wala ‘yon sa paningin niya. He fulfilled his promise but of course she’s not contented; not now that she’s craving for him again. Gulat ang dalaga at napatuwid ng upo nang may humalik bigla sa ulo niya. “My princess is waiting for somebody.” Nakangiting sabi ni Samuel sa likod niya habang ang Mommy naman niya ay nakayakap sa braso nito. “Si Kammy.” Brie pouts a bit but her dad chuckled. “Seems like he captured your heart, huh. And where is she?” ani pa ni