Chapter 33 BRIE Agad siyang napabalikwas sa kinauupuan nang marinig niya ang ring ng telepono nila sa ibabaw ng isang shelf. Ang yaya niya ang dumampot noon at nakatingin sa kanyang sumagot. Kahit na ang Mommy at Daddy niya ay napatigil sa pagnguya at tumingin lang sa matandang kasambahay habang ang puso niya ay tinatambol sa kaba. Pangalawang araw na wala si Tommy at sumasagap sila ng balita tungkol doon. Mugto pa nga ang mga mata niya sa kaiiyak pero pilit niyang pinakakalma ang sarili para sa mga anak niya. Nakikibalita siya kay Genesis pero wala ring masabi ang babae at naghihintay din kung napaano na si Tommy. She even asked her dad to find him but her old man refers to the FBI as well. Wala siyang nagawa kung hindi ang maghintay na lang din kahit na segu-segundong tinat