"Where are we going?" Leia asked Levi. Nasa loob na sila ng sasakyan nito at nagsimula nang magmaneho si Levi. Sinulyapan lang siya nito na may ngiti sa mga labi. Hinayaan na lang ito ni Leia. And then she asked him. She just can't help it. "Palagi kayong magkasama ni Marie sa hospital?" Saglit siyang nilingon ni Levi at balik muli daan. "Not really. We're both busy with our patients." Bahagya lang tumango si Leia at lalong sumandal sa shotgun seat. "Why you asked?" Bumaling si Leia sa lalaki. "Wala... Nasabi ko na 'to sa 'yo noon, 'di ba? That she likes you..." "Who?" ani Levi na halos nasa daan ang tingin. Bahagyang kumunot ang noo ni Leia na nakatingin sa lalaki. "Marie. She likes you." "Oh, noong High school? Matagal na 'yon." Sumimangot na si Leia. "Baka hanggang ngayon.