Chapter forty three ANDY’S POV’S Nanahimik yung dalawa nang ipakilala ko sila sa isat isa, inexplain k okay Shon na si Eroll ang tumitingin sa bahay na to, at sinabi ko kay Eroll na si Shon ang amo ko “bakit nandito sya?” bulong ni Eroll sa akin “uh… eh.. ano.” Ano nga ba? hindi ko naman sya inaya dito? hindi ko naman sya bisita o ano, sya ang nagpumilit “hindi pa ba tayo kakain” reklamo ni Shon Iniwan ko na si Eroll nasa labas kase kami at dinala ang pagkain sa harap ng TV, sa sala kami kakain dahil wala naman kaming dining table, nauuna na si Shon na kumuha ng pagkain. “uuwi muna ako, babalik ako mamaya” “at bakit ka pa babalik?” tanong ni Shon habang kumukuha ng pagkain maggagabi na rin kase, naunahan ako ni Shon na magtanong “aayain ko si Andy na pumunta sa fiesta” “fiesta?”