Chapter thirty four Nakaempake na ako, mga ilang araw din akong mawawala dito, isang araw daw kami sa barko, tsaka kami pupunta sa isang tagong isla, maganda daw doon, dahil may beach na at may pool pa. Sa totoo lang,excited ako haha kase ngayon lang talaga ako sasakay sa barko, at ngayon lang din ako pupunta sa lugar na iyon, nakakahiya mang sabihin pero yun ang totoo.Lumabas ako sa kwarto ko na may dalang isang malaking bag paack, pinahiram lang sa akin to ni Charee,wala naman kase akong paglalagyan nang gamit ko eh Sakto naman ang pagbaba ni Shon galing sa kwarto, pero wala syang dala na kahit ano, nagkasalubong kami at nagkatinginan pero walang imikan, nauna syang lumabas nang bahay. Malamang dumiretso nay un doon sa kotse niya. Alasais na nang umaga, may time pa ako para magbike,