MIRABELLA HALOS lalabas na ang puso ko na’ng masilayan ko ang katawan ni Regis. Humigpit ang pagkakakapit ko sa kan’yang damit habang inaangat ko iyon. Nanginginig ang aking mga kamay. Damang-dama ko kung paano bumubulusok ang aking dugo paakyat sa ulo ko at umuusbong ang init sa buong mukha ko. “Stay here, may pupuntahan ako.” Parang wala ako sa sariling iniwan ko s’ya roon sa balcony. Literal na nangangatog ang katawan ko na tila may sariling isip ang aking mga paa at dire-diretso akong naglalakad palabas ng silid. Hindi ako naka-kurap at napagtanto ko na lang na naka-kuyom na ang mga palad ko. “Mira? Where are you going? Are you… okay?” Parang hangin kong nilagpasan si Madame Sakura. Pakiramdam ko parang sasabog na ako ngayon. “Mira!” Hinabol ako ni Madame habang mabilis kong t