AT dahil alas deis naman ang pasok ko bukas, kami na ulit ang nag-puyat ni Legis para asikasuhin si baby Miro dahil madaling araw talaga ang banat ng batang ‘to. Ginising n’ya kami ng ala una, alas dos at alas tres ng alanganing oras pero hindi s’ya ganoon ka-aburido kagaya nu’ng mga nakaraan. Si Regis naman, ang himbing ng tulog n’ya. Kahit ang lakas umiyak ng kapatid n’ya pero hindi pa rin s’ya nagising. Kinaumagahan, I woke up at five thirty in the morning. Shutdown na shutdown si Legis dahil sa dami ba naman ng ganap kahapon. Bahagya pang naka-awang ang bibig n’ya habang yakap-yakap si Regis. Hindi muna ako bumangon para mawala ‘yong antok ko. Silang mag-ama ang pinagmasdan ko. After five minutes, dahan-dahan na akong bumangon at umalis sa kama. Nag-hilamos muna ako bago tinungo