NILINGON ko s’ya. Naka-upo na ang halimaw sa gilid ng kan’yang kama habang tinatanaw ako. “So, wala kang extra?” He shook his head. Ang yaman-yaman tapos walang back up na sipilyo. “Gamitin mo muna ang toothbrush ko, Mirabella.” Inikutan ko s’ya ng mga mata. “’Wag na lang, maraming salamat. Mag-m-mouthwash ako. Uuwi naman ako mamaya sa hideout. Doon na lang ako magsisipilyo.” I faced the door again. “Bakit ayaw mo sa tooth brush ko?” Hindi pa rin s’ya nagpapaawat. Kinapitan ko na ang golden door knob at pinaikot para mabuksan. Para magkaroon ako ng panandaliang katahimikan, pumasok na ako sa loob at sinara ang pinto. Tinalikuran ko iyon sabay pabagsak na sumandal at pumakawala ng malalim na hininga. Niyuko ko pa ang ulo ko na halos nakikita ko na ang reflection ko sa kumikinang na w