SA ELLISON Hotel humantong sina Lhorde at Raven. Hindi naman kumontra si Raven sa pinagdalhan sa kaniya ni Lhorde. Nang bumaba sila sa kotse nito ay tahimik lang siyang nakasunod sa bawat galaw nito. Unang pagkakataon na nawalan ng pakialam si Raven sa paligid niya. Sa kadahilanang natutulala pa rin siya. Dinala siyang muli ni Lhorde sa magandang rooftop ng Ellison Hotel. Pagkarating nila roon ay sinalubong sila ng preskong hangin at ubod ng gandang view. Inalalayan pa siya nito sa pag-upo sa may upuan sa may gazebo. “Raven,” untag ni Lhorde sa pananahimik niya. Saka lang niya ito nagawang pagmasdan. “Everything is okay. Hindi mo na kailangang mag-alala pa na baka maulit uli ‘yong nangyari kanina. Hmmm?” Marahan siyang tumango. Pagkuwan ay muling nagbaba ng tingin. Bumuntong-hininga