PARANG GUSTO NANG bumalik ni Mae palabas ng restaurant nang makita ang mga magulang kasama si Bernard sa table ng mga ito. But her mother had seen her and had waved at her with that excited smile of hers. Napilitan na rin tuloy siyang lumapit. Masaya rin siyang sinalubong ni Bernard pero umiwas siya nang akmang hahalikan siya nito at dumiretso siya sa ina. She gave her mother a quick kiss on her forehead before turning to her father. “Hi, Pa.” Marahan lang itong tumango bilang sagot. It was her father’s usual greeting to people. She had been used to it. Pero sa ngayon, parang wala sa mood ang kalooban niya na maging pamilyar sa ‘usual’ greeting ng ama. For goodness’ sake naman kasi, anak siya nito. Nag-iisang anak. Tapos tatanguan lang siya na parang bumabati sa isang kainuman sa kanto.