EXCITED SI MAE habang naglalakad sa hallway patungo sa private office ni Rafael. Kahapon ay ibinalita sa kanya ni Mr. Allan na nakabalik na ng bansa ang pamangkin nito. Kaya bilang celebration sa pagbabalik nito, bumili pa talaga siya ng cake at nagbaon ng sangkaterbang topic na puwede nilang pag-usapan ng binata gaya ng achievement niya sa magazine article na isinulat niya tungkol dito. Pati na rin ang tungkol sa malaking bonus na nakuha niya kaya nakabili siya ng masarap na cake. Pero malayo sa inaasahan niyang mabait at makulit na Rafael dela Merced ang naabutan niya sa opisina nito. Saglit lang itong nag-angat ng tingin pagpasok niya ng silid at agad na uli nitong isinubsob ang atensyon sa mga papeles sa mesa nito bago pa man ito mabati ni Mae. Pero kebs. “Hello, good morning!” ma