ILANG BESES NANG sinulyapan ni Rafael ang cellphone. Wala pa rin kasi hanggang ngayon ang hinihintay niyang magparamdam sa kanya. Nakakadalawang mensahe na siya na ipinadala rito pero wala ni isang sagot. Where are you, Mae? “But you know, mas guwapo ka sa personal kaysa sa kahit anong picture mo na nakita ko sa internet. Masaya akong nakilala kita sa personal at kasama ngayon. Ang suwerte ko talaga.” Tinanguan lang ni Rafael si Clarisse. Nakilala niya ito sa hotel nang araw na lumitaw din sa harapan niya si Mae. Kaya siguro nakalimutan na niya ang tungkol sa invitation na ibinigay niya kay Clarisse at medyo nagulat pa siya nang makasalubong uli ito sa hotel cafeteria kahapon. Hindi na tuloy siya nakatanggi nang singilin siya nito sa utang niyang coffee ngayong araw. Sana nga lang ay