27: Trace Maingay na nagmamaneho ang driver ng isang maliit na truck, rinig sa labas ang tugtug nitong new wave sa radio habang nagmamaneho sa isang kalsada, bukas din ang pareho niyang bintana para pumasok ang hangin sa loob, ang isang kamay niya ay nasa manibela at ang isa naman ay pinapalakasan pa lalo ang radio. Nang makuntento siya kong ga’ano kalakas ang radio niya, binitawan niya ito at kinapa naman ang fries sa karton sa tabi ng upuan niya para kumain. May suot na sombrero sa ulo ang driver, nakasuot lang ito ng puting tshirt, diretso siya sa isang tindahan kong saan maghahatid siya ng mga panindang sabon at shampoo. Sa di kalayuan natanaw niya ang stoplight na malapit nang mag-red, dahan-dahan siyang nagmaneho at tinapakan ang preno, pero natigilan siya nang hindi gumagana ang p