30: Obscure Reveries Nakatayo si Rin sa gitna ng mga itim na bulaklak sa isang hardin na hindi niya alam kong saan, nakasuot siya ng bistidang puti, malamig sa lugar na ‘yon, pakiramdam niya manipis ang damit na suot niya, pagsulyap niya sa unahan nakita niya si Than pero sa iba nitong katauhan, nakasuot ito ng madalas na makikita sa mga libro o litrato na itim na hood habang may hawak na kalawit sa kanang kamay. Nakayuko ito kaya hindi niya maaninag ang mukha ni Than, magsasalita na sana siya nang walang lumabas na boses sa kanyang bibig, nagtaka siya at kinabahan, bumuka ang bibig niya pero wala pareng lumalabas na boses o kahit na anong tunog. Maya-maya lang ay biglang naglaho si Than kong saan ito nakatayo, gusto niyang humingi ng tulong pero wala siyang nagawa, tumakbo na lamang siy