35: Ain’t Finale “Than,” dumilat ang mga mata ni Than nang marinig niya ang boses ni Rin na tumatawag sa kanya, pero sa oras na nagising siya, dahan-dahan namang lumulutang ang kaluluwa niya papalabas sa kanyang katawan, lumulutang siya ngayon sa eri, walang nakakakita sa kanya, gulat na gulat siya nakikitang pinagluluksa siya ni Rin habang yakap ang walang malay nitong katawan, palipat-lipat ang tingin niya sa kanyang katawan at kay Rin na hindi gustong nakikitang umiiyak nang dahil sa kanya. Kosa siyang bumaba para maabot ang mukha ni Rin pero hindi niya magawa dahil tumatagos ang kanyang kamay na siyang kinalulungkot at kinatakot niya. “Patawarin mo ako Rin,” sabi niya kahit hindi siya nito naririnig. “Thanatos,” agad na napasulyap si Than nang may tumawag sa kanya, palinga-linga siy