18: Caress Isang linggo na ang nakakalipas nang matapos ang hindi malilimutan na kaguluhan na nangyari sa buhay ni Rin, sa isang iglap nang matapos ang gulong ‘yon ay bigla na lang bumalik sa dati ang lahat, parang walang malay ang mga tao at lalo na ang mga pulis na may nangyaring kaguluhan, na isip naman ni Rin na binura ni Than ang alaala ng lahat nang nasangkot sa gulo maliban sa kanila ng pinsan niya. Isang linggo na rin ang nakakalipas na hindi na niya muli pang nakita ang binatang si Than at si Gab, nakita na lamang nila Kiefer na nakatayo sila sa bahay nilang maayos na ang lahat ng gamit nila, animoy walang dilobyo ang dumaan. Nang matapos din ang gulo namatay din ang ina niya, ngayon nakatayo siya sa puntod ng mga magulang niya, malungkot ang mukha niya, bigla niyang naalala ang