24: Burning Hearts Nakaupo si John sa kama habang nakasandal ang likod niya sa headboard ng kama, may mga gasa ang ibang parte ng katawan niya at may supporter din ang kanan niyang paa dahil nagkaroon ng fracture, napalitaan niya ang nangyaring pagpatay sa kanyang ama, dapat matutuwa siya sa mga oras na ‘yon dahil wala nang pipigil sa kanya pero iba ang sinisigaw ng puso niya, lungkot, galit at halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Gusto niyang humingi ng patawad sa ama pero huli na ang lahat, hindi na ‘yon maririnig ng ama niya dahil wala na ito, iniisip isip niya kong dahil din ba ‘to sa mga nakikita niya, pero sabi ng mga pulis pinatay ang ama niya ng isang trabahador nito nang hindi pautangin. Nakausap na rin niya ang stepmother niya, wala siyang balak na pumunta sa libing, dahi