DS 47 XIERA'S POV "Mommy, anong tingin mo kay Rhyz?" Sinubukan kong tanungin si Mommy kung anong masasabi niya tungkol kay Rhyz since nakarating na sa kanilang dalawa ni Daddy 'yong paghila ko sa kanya sa CR ng mga lalaki noong nakaraang araw. At mabuti na lang talaga, may nakakita sa amin sa loob at may nakapagpatunay na wala naman kaming ginawang milagro doon, baka nasugod nila ng wala sa oras ang pamilya nina Rhyz kahit ako naman talaga yong may kasalanan. Knowing my parents, hinding-hindi niya hahayaan na ako 'yong lalabas na masama. Not trying to be a spoiled brat here but that's just how it is. Si Daddy pa? Eh, always got your back ang motto nun. Hay! When did my life become this complicated? Last year naman sobrang tahimik lang ng buhay ko tapos ngayon, parang ang dami, dami, da