DR 45 XIERA'S POV "Xiera, Xiera koooo!" Hindi ko alam kung anong nakain ni Rhyz at kung bakit umagang-umaga ay ganyan na kaagad siya. "Ano ba? Nakakain ka ba ng panis?" Naiiritang sabi ko at saka ko ipinagpatuloy ang paglalakad. Nasa likod ko siya at patuloy na sumusunod sa akin. Pinagtitinginan na tuloy kami ng ibang mga estudyante maging mga teachers. "Nope. But I am love drunk," natigilan ako bigla sa sinabi niyang 'yon kaya naman nauntog siya sa likuran ko. Marahas akong humarap sa kanya at tinignan siya ng masama. "I'm inlove with you." Nagtilian ang mga taong malapit sa amin na nakarinig sa mga sinabi niya. Ang hina lang naman non, ako nga hindi ko masyadong narinig at naintindihan yung mga sinabi niya eh. "A-ano?" "I said, I am inlove with--- hmmmm!" Gamit ang mga kamay ko,