DYING INSIDE TO HOLD YOU CHAPTER 45 Nag- enjoy ang lahat sa kanilang outing. Doon na rin silang lahat na natulog hanggang sa sumapit ang umaga. Muli silang nagpakasaya pagdating ng umaga. Hapon na nang magpasiya silang lahat na magsibalik na sa Villa at sa Rancho, maging ang mga taga Planta. Walang pagsidlan ang nadama ng mag- asawa nang mga sandaling iyun. Pakiramdam tuloy nila, magsyota pa rin silang dalawa. Tila nakiayon naman ang kambal sapagkat, ni hindi nabagot o sinumpong man lang. Napakabait nila na tila naiintindihang kailangan ng kanilang mga magulang ang time, para magkabonding. Nagsilihisan na ang kani- kanilang landad ng marating ang kabuuan ng Villa Inocencio. Masaya silang nagkawayan at nagpaalaman. Hanggang sa marating na nila ang mismong Villa. Masayang silang bumaba s

