DYING INSIDE TO HOLD YOU #36 Bumalik na sina Grace sa villa Inocencio. Pagod ang dalaga sa biyahe nila kaya nagpaalam na ito na magpapahinga na pati si Madam Cess. Habang ang tatlo ay nagpahinga sa balkonahe. " Maganda pala dun, kaya pala maganda din si Grace!" wika ni Rayver. Ngumiti ang dalawa. "Pero may pagkakapareho silang lahat, pareho- pareho sila ng kulay sa balat." Patuloy ng binata. Binatukan siya ni Nathan. "Dahil malapit sila sa dagat, ungas!" sabi ni Matthew. Hinaplos ni Rayver ang batok niya. "Baka mamaya nito, magkabukol na ang batok ko!" simangot nitong tugon. "Gusto mo, bigyan kita ng bukol?" Tanong ni Nathan na nakaamba na ang kamao nito sa binata. Agad umiwas si Rayver mula kay Nathan. Tawang- tawa naman si Matthew sa dalawa. Maya- maya pa ay nagtungo na s