DYING INSIDE TO HOLD YOU #38 Nag-honeymoon nga ang mag- asawa sa rancho, malapit sa falls. May munting cottage doon na pinasadya ni Matthew, para sa dalawa at pinalagyan niya ng kwarto. Samantalang umuwi muna ang mag-amang Gardo at Kierstenne dahil ihahanda pa ng dalaga ang kanyang mga gamit para sa pagtira niya sa Villa. Matuling lumipas ang araw at buwan, lumaki na ng lumaki ang tiyan ni Grace. Nahihirapan man ay todo suporta ang lahat sa kanya, lalong- lalo na ang kanyang mapagmahal na asawa. Gustong- gusto ng malaman ni Nathan kung anong kasarian ng kanyang pinagbubuntis ngunit ayaw ni Grace dahil mas gusto niyang surprised ito para sa lahat. Halos linggo- linggo namang tsinecheck-up ni doktor Mendoza ito.. Nasa hardin ang dalaga ng umagang iyun at nasa swing. Nalaglag ang kan