DYING INSIDE TO HOLD YOU #30 Nagising si Nathan ng maramdaman niyang may humahaplos sa kanyang ulo. Agad siyang nag- angat ng ulo at tiningnan niya ito. Nakangiting mukha ni Grace ang nakita ng binata. Agad siyang umayos ng upo at mas lumapit pa siya dito. " Hey! May masakit pa ba sayo? Saang banda, tell me anong nararamdaman mo?" Sunod- sunod niyang tanong sa dalaga saka hinaplos ng kanyang palad ang mukha nito. Umiling si Grace at ngumiti. " I'm okay, just relax!" mahinang sagot ng dalaga. Nalaglag ang mga luha ni Nathan. " I'm sorry! I'm sorry, hindi kita naprotektahan kayo ni baby?" Paos nitong wika saka hinagkan ang kamay ng dalaga. Kumurap- kurap naman si Grace. " Si baby, Nathan okay lang ba siya?" Maluha# luha ring tanong ni Grace sa binata. Suminghot si Nathan saka ng