Hindi natulog si Gabriella sa kwarto ni Cedric kagabi. Tila masama ang loob nito sa kanya, gusto niyang magtanong kaya lang ay nahihiya siya. Bantulot siyang bumangon, hindi rin naman kasi siya nakatulog. Nagtataka kasi siya kung bakit nasa binata ang kanyang isipan kagabi. Para bang nakikinita niyang, lumitaw na naman ang allergy nito. Tamad din siyang naligo at nagbihis. Nang matapos ay nagpasya na siyang bumaba at baka naiinip na si Aaron. Isa pa ang saltik na 'yun, takot na takot kay Cedric. Nasa huling baitang na siya ng malaking hagdan nang matigilan siya sa nakita. Isang lalaking mestiso ang prenteng nakaupo sa malaking sofa. Nakade- kwatro ito at seryosong nagbabasa ng diyaryo. Medyo sinipat ng dalaga ito nang tingin subalit, natatakpan ang kalahating mukha nito sa hawak na diyar