GINALINGAN nga ni Cedric ang kanyang pagpapaligaya kay Gabriella. Walang kahit na anong sakit ang naramdaman ng dalaga. Kapwa sila nauhaw sa gitna ng disyerto at para silang isang halaman na biglang lumago dahil sa patak ng ulan. Paulit- ulit nilang pinagsaluhan ang tamis nga kanilang pagmamahalan. Kinabukasan. Masayang pinagmasdan ni Cedric ang mahimbing pa ring natutulog na si Gabriella. Hinaplos niya ang mukha ng dalaga saka kinantalan ng mabining halik. Kumilos ang dalaga saka marahang nagmulat ng mata. Napangiti ang dalaga at tinakpan ng kumot ang kanyang mukha. "Good morning, honey!" wika ni Cedric. "Morning! Kanina mo pa ba ako pinagtatawanan diyan?" sagot ni Gabriella. "Nope! Kagigising ko lang din!" pagkakaila ni Cedric. "Sinungaling! Hindi ka na nakapantulog diyan paanong ka