Makalipas ang ilang araw, nagpasya nang bumalik sa Mansiyon sina Cedric. Sunud- sunuran lamang si Gabriella at tila robot na gumagalaw lamang ayon sa mga pangyayari. Hindi rin siya nagsasalita o ngumingiti man lamang. Lihim namang nababahala si Cedric dahil may phobia ito noong una niyang nakita. Baka kasi ma- trigger ito at sumpungin ito. Wala namang pagsidlan sa kaligayahan ang mag- iina. Katunayan nga, marami nang plano sina Sofie para sa pagbabalik ng kanilang ama. Nagplano ang mga ito na bigyan ang kanilang ama ng isang engrandeng welcome party. Ayaw niya sana kaya lang, baka isipin nila bitter siya at ayaw niyang lumigaya ang mga ito. Sinabi na lamang niya sa mga ito na sila na ang bahala. Basta siya sa security ng Mansiyon, alam niyang dadalo ang demonyong nobyo ni Gabriella. "Kai