WALANG sinayang na sandali sina Cedric. Lahat na ng kanyang koneksyon ay kanya nang pinagalaw. Gusto niyang ngayong gabi rin ay mabawi na niya ang kanyang asawa. Miss na miss na niya si Gabriella at hindi siya makakapayag na manatili pa ito sa poder ni Tyler hanggang bukas. Alam ni Cedric na kabado rin ang lahat pati siya at lalong- lalo na kay Lily. "Don't you ever dare Lily if you are planning to betrayed me. Always remember, sa akin na ang buhay mo ngayon at hindi na kay Tyler." Paalala ni Cedric sa dalaga. "Alam ko! Gusto ko na ring magbago at mamuhay ng tahimik. Gusto ko nang makatulog ng mahimbing at walang inaalala sa tanang ng buhay ko. Isa lang talaga ang hinihiling ko sa'yo, ang kalayaan ko kapag natalo mo si Tyler." Sagot ni Lily. "Mark my words, Lily! Rest assured, makakamit