Hindi ako nakagalaw habang niyayakap ng dalagita at batang lalaki. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko, basta natahimik lang ako at parang natulala. “Mommy, I missed you so much!” wika ng batang lalaki na tumingala sa akin habang nakayakap sa baywang ko. Napakaguwapong bata, kamukhang-kamukha ng lalaking nakalaban ko. “Ate, kumusta ka na? Ayos ka naman ba? Hindi ka ba sinaktan ni Kuya Cole?” tanong naman ng babae matapos akong yakapin at parang naluluha ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. Kumunot naman ang noo ko. Si Cole? At bakit naman ako sasaktan ng asawa ko. “I… I don't understand what you're talking about. And I don't know you,” usal ko habang litong-lito. Bakit ganito, parang ang gulo. Naguguluhan ako sa mga pangyayari. Kilala nila si Cole? At bakit may mga pictur