Hindi ko na alam kung saan na ba ako dinala ng mga lalaking dumukot sa akin dahil nawalan na ako ng malay gawa ng pamimilipit sa sakit ng tiyan; basta nang magising ako ay nagulat na lang ako nang makitang nasa loob na ako ng bakal na kulungan kasama ng ilan pang mga babae na hindi maglayo ang edad sa akin. “Mabuti naman at gising ka na. Okay ka lang ba, miss?” tanong ng isang babae na agad na lumapit sa akin nang makita ang pagmulat ko. Marahan naman akong bumangon, napangiwi pa ako dahil sa paghilab ng tiyan ko. “T-Teka, nasaan ako? Anong klaseng lugar 'to?” tanong ko at napalibot ang tingin sa paligid ng kulungan. Nasa presinto ba ako? “Naku, miss, wala kang malay kanina nang ipasok ka rito sa kulungan ng mga lalaki. Akala nga namin patay ka na,” sagot sa akin ng babaeng naka-red two