COLE asked me everything, bawat detalye yata ay tinanong sa akin kung ano ang nangyari sa laro at kung saan ako napadpad pagkatapos. Pero imbes na sabihin ang totoo ay mas pinili kong magsinungaling. Ang paliwanag ko ay nagising ako sa isang ospital na masakit ang buong katawan, at halos hindi ako makabangon, pero nang maka-recover ay agad din akong tumakas sa ospital na 'yun at umuwi sa kanya. It's just a simple explanation, dahil sa totoo lang ay wala na akong maisip na iba pa na puwede niyang paniwalaan, at baka mahala pa akong nagsisinungaling lang. He even asked me about the hospital, pero sinabi ko na lang na hindi ko na maalala pa kung anong ospital 'yun at kung saan banda dahil nagmamadali na akong umalis. Gayunpaman ay halata pa rin sa kanyang gwapong mukha ang pag-aalangan, tila