Buong puso kong tinugon ang kanyang halik at hinayaan siyang angkinin ang katawan ko nang paulit-ulit. Pareho kaming pawisan, pagod na pagod, at halos madaling araw na nang makatulog. Niyakap niya ako, at sumiksik naman ako sa kanyang hubad na katawan. Nang magising ako kinabukasan ay tulog pa siya. Naligo muna ako bago bumaba ng kusina at tinanong ang mga katulong kung anong paboritong breakfast ni Oliver. Pero ang sagot nila sa akin ay tanging black coffee lang iniinom nito sa umaga. Kaya naman naisipan kong mag-bake na lang ng bread for him. Pero syempre, nagluto na rin ako ng para sa akin, bacon and fried rice lang naman ang favorite kong umagahan, kaya 'yun na lang ang niluto ko. Nang matapos magluto ay nilagay ko na sa iisang tray lahat ng mga inihanda ko at muli na akong umakyat.