BITTERSWEET GOODBYE SIX MONTH LATER... Unti-unting dumilat ang mga mata ni Delaila. Pinikit-idilat iyon. Hanggang sa nakapag-adjust na ito sa liwanag. Tila kay tagal na hindi nakakita ng liwanag. Muli pang pinikit ang mata. "Let her adjust first.." tinig na narinig. Agad siyang tumingin sa paligid at nakita ang isang babae habang may kalong na bata at sa tabi naman ay isang lalaki na may kalong ding bata. Salitang tinignan ang dalawang taong naroroon. Nakitang maluwag ang pagkakangiti ng babae habang sa mata ay may butil ng luha. "Mama..." usal nito habang papalapit sa kaniya. Doon ay nakilala niya ang babae, si Miya. Napaluha na rin siya. "Kumusta ka na? Ang pinagbubuntis mo?" Agad na tanong rito dahil wala na ang malaking tiyan nito. "'Ma...ito na siya oh.." anito sabay pakita sa