HIS MASTER PLAN Nakahinga ng maluwag si Klint nang makitang pumasok na si David sa bahay ng nito. Agad naman siyang bumalik sa sasakyan nito nang muling tumunog ang cellphone niya. Agad iyong sinagot. "Thanks God at sumagot ka na rin.." tinig ni Walter sa kabilang linya. "Oh bakit napatawag ka?" Saad dito. "Well, may sasabihin kasi ako sa'yo. Anyways, nasaan ka ba?" Maang na tanong nito. Naalala ang naging engkuwentro nila ni David kanina. "Nandito ako sa labas ng bahay ni David. Anyways, may katrabaho kabang inspector? Narinig ko si David kanina at plano nilang hindi paabutin si Miya sa hearing nito. At kausap niya ang isang inspector." Aniya rito. "Holy molly!" Ang reaksyon ni Walter. "May kasamahan ka diyan.." untag rito. "Iyon na nga sana ang sasabihin ko kasi napag-alaman ko n