TRUTH HURTS Batid ni Edward na pati siya ay pinapatumba ng kaniyang tiyuhin. Mabilis na tinawagan ito nang nasa loob na siya ng kaniyang sasakyan. "Hello? May sa pusa ka rin pala pamangkin.." anito saka tumawa. "Well, demonyo ka nga pala. Pati pamangkin mo gusto mong ipaligpit." Matalim na sagot rito. "Kilala mo naman ako Edward. Mabait ako sa taong nasunod sa akin." Wika nito. Ngumisi si Edward. "Kayo ang nag-umpisa kaya tatapusin ko.." banta niya rito. Tumawa nang malutong ang nasa kabilang linya. "Huwag mo akong tatakutin pamangkin dahil baka hindi mo na abutang buhay ang ina mo." Anito na tila demonyo. "Hayop! Sarili mong kapatid ay kaya mong patayin!" Gigil na turan. "Kahit sinooooo...kahit sino.." anito. Inis na inis ni Edward. Mabilis na pinasibad ang sasakyan pauwi sa ka