CHAPTER- 2

1213 Words
NAKATITIG lang si Ashley sa kisame ng silid na kinaroroonan niya. Kahapon, nang ipasok siya doon, ay dalawang doktor ang sumuri sa kalagayan niya. Ang tanging narinig niyang sinabi ng isa ay stable na ang kaniyang katawan. Maliban sa memorya niya na walang kasiguraduhan kung kailan babalik o posibleng hindi na. Naputol ang mga iniisip niya ng bumukas ang pinto. Agad siyang nakaramdam ng takot nang makita ang lalaki. Nakaupo ito sa wheelchair at matalim ang mga titig nito sa kaniya. Nakakatakot din ang itsura dahil sa balbas at mahabang buhok na tila hindi pa nagsusuklay. Kaya agad siyang nagbaling ng tingin sa ibang direksyon. Hindi niya matagalan ang kulay gray nitong mga mata. "Ikaw pala ang responsableng driver kaya ganito ang aking sitwasyon ngayon!" galit na galit nitong sigaw sa kaniya saka agad nakalapit at mahigpit siyang hinawakan sa panga. "Look at me, woman! Tingnan mo ang ginawa mo sa mga paa ko!" Muling sigaw nito at dahil doon ay nanginig ang katawan ni Ashley sa takot kaya agad na sinunod ang utos nito. Unti-unting nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa mga paa ng lalaki. Namamaga pa rin iyon at mayroon nang benda sa magkabilang hita. "I'm sorry," ang tangi niyang nasabi dahil wala siyang alam na sabihin lalo na at wala siyang naalala. "Hindi maibabalik ng sorry mo ang nangyaring pinsala sa mga paa ko!" Saka siya biglang binitawan at nagmamadaling pinagulong ang wheelchair palabas ng pinto. Nang makalabas ang lalaki at sumara ang pinto, saka lang tuluyan umagos ang luha niya. Ngunit muling bumukas ang pinto kaya mabilis na pinunasan ang mukha at umayos siya ng higa. "Halika, bumangon ka at aalalayan kita. Kailangan mong kumain upang bumalik ang lakas mo." "S-Salamat po, ahm... nasaan po ako... ang ibig kong sabihin, anong lugar po ito?" "Narito ka sa bahay bakasyunan ni Master Atlas." Mahinahon sagot sa kaniya ng ginang. "Ah, okay po." Saka siya tumanaw sa labas. Pero puro kakahuyan ang nakikita niya sa labas ng glass wall. "Gusto mo bang subuan kita?" mahinahon pa rin tanong ng ginang sa kaniya. "Huwag na po, kaya ko naman kumain mag-isa." Saka kinuha sa kamay nito ang hawak na bowl. "Kung ganun, heto ang mga gamot na dapat mong inumin pagkatapos mong kumain." "Sige po, salamat." "Maiwan na kita . Pindutin mo ang push button na nasa gilid mo kung may kailangan ka." Tumango na lang si Ashley, at iniwan na siya ng ginang. Kagaya ng bilin ng ginang, kailangan niyang kumain upang bumalik ang lakas niya. At nang matapos, ay agad na ininom ang tatlong klase ng gamot. Pagkatapos, muli siyang nahiga at pinapakiramdaman ang sarili hanggang unti-unting nakaramdam ng antok. Sa silid ni Atlas Froi, hawak niya ang tablet habang nakatingin sa mga larawan ni Ashley Montemayor. Kanina, nang sabihin ng PA niya ang tungkol sa babaeng siyang dahilan kung bakit siya nalumpo, hindi siya makapaniwala na ang babaeng iyon ay nag-iisang prinsesa at kapatid ng twin brother na mahigpit niyang kalaban sa taekwondo noong high school sila. Ganun din nang mag-aral sila sa London at bumuo ng grupong Gang ang mga ito. Isa siya sa hindi sumali kaya bugbog ang inabot niya. Kaya simula noon itinuturing niyang mortal na kaaway ang mga ito. Sinara ang tablet at binalik sa ibabaw ng table saka kinuha ang cellphone at tumawag. "Aljoe, walang dapat makaalam kung sino talaga ang babaeng iyon. Siguraduhin mong confidential ang katauhan niya. Mamaya, kapag tumawag si Mama, wala kang sasabihin. Hayaan mo na siya mismo ang makadiskubre ng tunay na status niya." "Masusunod, Master Atlas Froi, pero bago ko makalimutan, nais kong ipaalala sa iyo ang kasal mo na pinakansela ng iyong fiancée. Hahayaan mo ba na mapahiya ka sa mga nakakakilala sa iyo upang bigyan ng kasiyahan ang babaeng iyon na tumalikod sa iyo?" Hindi sumagot si Atlas Froi; nakatingin lang siya sa labas ng bintana. "Ahm... kung wala ka nang ipag-uutos ay lalabas na ako." "Sige, tatawagan na lang kita kapag kailangan." At umalis na ang PA niya kaya sinara na rin ang cellphone. Ngunit mabilis siyang gumawa ng desisyon. Hindi niya hahayaan na mapahiya ang pangalan niya na matagal iningatan. Ganun din ang buong pamilya nila. Kaya muli ay nag-dial at tinawagan ang wedding coordinator na dapat siyang gaganap sa nalalapit niyang kasal. "Pumunta ka dito sa bahay bakasyunan ko, ipapadala ko ang address sa email mo upang maasikaso agad ang kasal ko. Kung may mga katanungan ka, pag-usapan natin kapag naririto ka na. Bye." Pagkatapos ay agad na sinara ang cellphone. Lumabas si Atlas Froi ng kaniyang silid at muling nagtungo sa kwarto ng dalaga. Hindi na siya kumatok; basta tinulak ang pinto. Ngunit agad din siyang natigilan sa pagpasok nang makitang halos hubad ito at inaayos ang benda sa bandang tagiliran. "Pwede bang kumatok ka naman bago pumasok?" inis na pahayag niya sa lalaki. Saka nagmamadaling inayos ang suot na damit at muling nahiga. "Bakit pa ako kakatok? Narito ka sa pamamahay ko! Isa pa, kahit maghubad ka sa harapan ko, hindi ako apektado. Nagsawa na ako sa iba't ibang katawan ng mga babaeng mas maganda pa sa iyo, huh!" Tila napahiya naman ang dalaga at agad na nagyuko ng ulo. Tama naman ang lalaking ito dahil ayon sa ginang na laging naghahatid ng kaniyang pagkain, isa itong mayaman na negosyante at ang fiancée nito ay isang sikat na modelo. "Kaya ako naririto dahil parating dito ang wedding coordinator. Kailangan mo akong pakasalan. Siguro naman nasabi na sa iyo ni Donya Esmeralda?" "Bakit ako magpapakasal sa kagaya mo samantalang meron ka namang fiancée? Kung magpapakasal lang ako, sa lalaking mahal ko!" pagkatapos ay nagtalukbong siya ng kumot. Hindi niya alam kung saan humugot ng lakas upang sumagot sa lalaking may nakakatakot na aura. Subalit malakas na hinila ang kumot at nawala iyon sa katawan niya. "Gusto mong ipakulong kita habang buhay at sa kulungan ka na mabulok?" "N-No, p-please, huwag mong gawin iyon sa akin." nauutal na pakiusap niya sa lalaki. "Kung ganun, susundin mo ang bawat naisin ko. Dahil sa iyo tinalikuran ako ng babaeng dapat pakasalan ko. Dahil din sa iyo nakulong ako sa silyang de-gulong. At dahil din sa iyo, ilan sa mga negosyo ko ang bumagsak at bilyones ang nawala! Ngayon, mamili ka: sasagot ka ng 'I do' sa harapan ni Padre o sa kulungan ka na mabulok?" Saka nagmamadaling iniwan ni Atlas Froi ang hindi makapagsalita na dalaga. Samantala, nakaramdam ng galit si Ashley sa mga sinabi ng lalaki. Ang kalooban niya ay naghihimagsik. Pero alam niyang wala siyang laban dahil hanggang sa mga oras na iyon, wala pa rin siyang naaalala. Ang tanging alam lang niya ay ang kaniyang pangalan. Kahit edad at pangalan ng mga magulang ay hindi din niya maalala. Muling dumaloy ang luha sa kaniyang magkabilang pisngi. Bumangon siya at naglakad patungo sa veranda. Palinga-linga siya sa paligid at naghahanap ng pwedeng madaanan upang makatakas siya. Kahit wala siyang alaala, nararamdaman niya na may mali sa pangyayaring ito. Hindi sinasadyang napatingin siya sa malawak na swimming pool. At nakatingala sa kaniya ang lalaki; ang klase ng titig nito ay may pagbabanta. Kaya tumalikod siya at naglakad papasok sa loob ng kwarto. Kailangan maging matapang siya at huwag ipakita sa lalaking iyon na mahina siya. Sapagkat baka lalo lang siyang kawawain nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD