HABANG nasa loob ng fitting room si Kampupot, nakaupo naman sa bench sina Froilan at Laurice. Hindi siya tinatantanan ng pinsan sa pangungulit — panay kurot, panay tanong. “Laurice, tigilan mo nga ako,” iritadong sabi ni Froilan, ngunit ngumisi lang ito. “NogNog, hindi mo ako pinapansin, huh!” reklamo nito sabay hampas sa braso ng pinsan. “May sinasabi ka ba, Princess?” tanong ni Froilan na kunwaring walang naririnig, habang ang mga mata ay nananatiling nakatuon sa pinto ng fitting room. “Sabi ko, bakit nasa penthouse mo si Ms. Kampupot?” pasigaw na tanong ni Laurice. Halata ang pagseselos o pag-aalala. “Imposible namang wala kayong relasyon! Kilala kita, Froilan—hindi ka mapakali sa babae. At napakaganda pa ng batang ’yon!” “Kung ano-ano na lang ang lumalabas sa bibig mo, huh!” tugon

